Posts

Showing posts from June, 2018
Image
  LEPTOSPIROSIS: Mga Dapat Mong Malaman TAG-ULAN na naman at ang isa sa mga laganap na sakit sa ganitong panahon ay ang Leptospirosis . Marahil ay napanood mo na sa TV ang mga balita patungkol sa pagtaas ng bilang ng mga nao-ospital at namamatay dahil dito. Sa katunayan ay mayroon na ring fast lane sa ilang ospital para sa mga pasyenteng maaaring may impeksyon nito at ang ilang ospital pa ay nagdagdag na rin ng bilang ng kama upang mapaghandaan ang patuloy na umaakyat na bilang ng mga pasyenteng may Leptospirosis. Paano ba nakukuha ang sakit na Leptospirosis? Ang Leptospirosis ay isang klase ng impeksyon na nagmumula sa bacteria na kung tawagin ay Leptospira . Kadalasang nakukuha ito mula sa ihi ng mga daga, aso, kabayo, baboy at iba pang mga hayop. Ang bacteria na ito ay kayang mabuhay sa loob ng ilang linggo o buwan sa lupa o tubig kung kaya’t sa panahon ng baha ay kasamang lumalangoy dito ang bacteria na ito na maaaring pumasok sa ating katawan lalo na kung ta...